Biyernes, Nobyembre 25, 2011

11 :(

"1 po monthsary namin..wag ka mag-alala.."
"HINDI KO NA SYA MAMAHALIN!"
"MATAGAL NA YUN!"
"NAKALIMUTAN KO NA SYA.."

Ganyan rin ba ang sinasabi mo sa mga nagiging babae mo pag wala tayo?
Gaya ng mga nabasa ko. Nabasa ko lahat ng sinabi mo..

..na hindi mo na naman ako mahal..
..na hindi magbabago..

Ganun rin pala ang sinasabi mo sa kanya.. sa iba mo pang nilalandi..
Nakakainis ka. Pero ayaw ko ng umiyak.
Baka mamaya. MASAYANG lang.
Gaya dati..
hanggang kelan? </3

Sabado, Nobyembre 19, 2011

What is HAPPINESS for me.

Anu nga ba ang happiness para saken?
MICHAEL.
Yan ang happiness para saken. Shh pagpasensyahan nyo na kung ganito. :)
Alam kong lagi nya akong sinasaktan pero sya pa rin ang nagpapangiti saken.
Sya pa rin ang mahal ko. Sya lang habangbuhay..SOBRA.

Alam mo ba, nagkachat kami ngaung umaga. Ang sarap pala ng pakiramdam na kachat mo ang taong mahal mo paggising mo sa umaga. Oo, magkachat kami kanina. :)))
Happy ko. Tapos pinaloadan ko sya kay Mark. Para magkatext kami. Nagalit pa.
Miss ko sya eh. Anong magagawa nyo? Haha.

Sya sige na. Basta Bloggy masaya ako. Sobrang sobra.

*STORY1: Araw araw*

(Imbento lang to - pero hindi yung characters)

..Sa bawat araw, maraming pwedeng mangyari sayo.
..Paano kung isang araw, mawala sayo yung taong mahal mo..ng hindi mo alam?

*START*

Ako si Mika..May boyfriend ako si Michael..
Hindi ko alam pero these past days, parang ang dami ng nagbago.

"Mika. May dare ako sayo.." sabi nya.
"Ano naman yun? Sige ba. Kilala mo naman ako.. Lahat kaya kong gawin, lalo na kung para sayo.."
"Wag muna taung magkita ng isang araw..walang text..walang tawag..walang kahit anong type ng communication.."
"Bakit naman?"
"Basta..mahal mo naman ako diba?"
"Oo naman.." at niyakap nya ako.
"Mamahalin mo pa rin naman ako kahit wala ako diba?"
"Oo naman..nangako ako sayo eh.."

Dumaan ang gabi. Kinabukasan, ito na yung araw na hiniling nya saken.
DARE Mika. Kaya mo yan. Mahal mo naman si Michael eh.
Hay naku, isang araw pa lang syang nawawala, parang di ko na ata kaya.
Hindi ako nakatulog ng ayos. SA TOTOO LANG.
Kinabukasan, agad agad kong tinext si Michael. Walang reply na dumadating hanggang sa nagreply na sya..

-- Punta ka dito sa bahay.

Agad naman akong nagbihis at sumakay papunta sa kanila.
Excited na akong makita ang pinakamamahal ko.. :)
Pagdating ko sa bahay nila..
Tahimik. Malungkot ang mga tao..
Pumasok ako sa loob at nakita ko ang kabaong sa loob ng bahay nila.
Patay na ba ang mama nya? O_o wag naman.

"Iha.." Mama ni Michael. Ibig sabihin hindi sya ang..
"Tita..Anu pong nangyari? Si Michael po? Pinapunta nya po kasi ako dito.."
"Ako yung nagtext sayo iha.." then tears fell from her eyes. Ewan ko pero parang sumakit ang puso ko.

Kinabahan ako. Lumapit ako sa coffin. Pagsilip ko..

"Michael?!" at hindi ko alam kung paano ibubuhos ang luha ko.. Yumakap ako sa coffin nya at umiyak ng sobra.
Iniabot saken ng pinsan nya ang isang papel..

Dear Asawa q,
     Oh yan ha. Nakaya mo na akong hindi makita ng isang araw..Kaya mo na siguro..araw araw..mahal na mahal kita..sobra..sorry kung hindi na ako nakapagpaalam ng ayos..Kung masaktan ka man..patawarin mo sana ako..Namiss agad kita kahit nung minuto pa lang ang nakakalipas nung huli tayong nagkita..Ingat ka.."
                                                                                                                         Love, Michael.

Hindi ko alam kung anung magiging reaksyon ko.
May sakit raw pala sya at hindi nya pinaalam sa akin..
Kahapon pala ang huling araw nya.. T_T

THE PAST.

Hindi ko alam kung bakit ganun.
Mahal na mahal ko pa rin ang lalaking yun. :( Tinanung nya ako kung bakit raw hindi ko sya niloloko.
Hindi ko rin alam. Alam mo ba, Bloggy, maraming beses ko ng sinubukang gaguhin si Michael..Pero hindi ko magawa. Dahil ang pumapasok agad sa isipan ko.. 

"PAG GINAWA KO TO..MAWAWALA ANG ASAWA Q.." :((

Alam mo sabi nya Bloggy?

MAHAL KO RAW TALAGA SYA. T_T

Eh sadya namang mahal na mahal ko sya. At kahit anung gawin nya mahal na mahal ko talaga sya.
Kahit pa ilang milyong beses nyang wasakin ang puso ko, eto pa rin ako.

MAHAL KITANG TALAGA ASAWA Q :((

Sana nandito ka. Para mapadama ko sayo. T_T


</3

THE END.

Hi Bloggy. :') Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil tapos na ang paghihirap ko o magpakamatay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

WALA NA KAMI :(

Hindi ko rin alam kung bakit ganun..ginawa ko naman ang lahat Bloggy eh. Siguro nga - bumalik lang sya dahil sa awa nya saken. O siguro dahil ayaw nyang maging single.
Ramdam ko may iba sya Bloggy :(

KUNG MERON MAN, SANA MAKARMA SYA.

Bloggy, alam kong hindi naman talaga kita nakikita pero alam kong alam mo kung gaano ako nasasaktan.
Alam mo ba kanina, umiyak ako sa school. Hindi ko nga alam kung mahihiya ba ako sa mga nakakita o umasang dadamay sila. Yung iba dinamayan ako.

THANKS TO MY FRIENDS.

Akala ko mag-isa na lang ako sa buhay. Masarap namang maging single eh, kaso, mas maganda kung KAMI. Mukhang magiging malamig ang pasko ko ngaung taong ito.
Yae na nga.

Basta ayun. Kung mabasa mo man ito MICHAEL..
Ginawa ko lahat..

SUMUKO KA LANG.

Kung nagsisisi ka na binalikan kita, mas nagsisisi ako dahil nagpakatanga ulit ako sayo.
</3

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

NAKAKAPAGOD NA.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.
Bloggy, ayaw ko syang mawala pero sya yung humihila sa sarili nya para lumayo sya saken.
Bakit kaya sya ganun?

Ginawa ko na lahat ng kaya ko. :(

Wala pa rin?
Ang manhid naman nya masyado! Hindi ko na alam kong paano ipagpapatuloy to.
Unti unti ng nababawasan ang pagmamahal na sabi ko sa kanya mananatiling buo hanggang huli.
Panahon na ba para maghiwalay kami?
11 buwan na akong nagtitiis. Hindi ko na nga alam kong kelan ko na nga ba huling naisip ang sarili ko.
Sa pagkakalala ko lang, huli kong inintindi ang sarili ko nung..

ARAW BAGO KO SYA NAKILALA.

Tama. Yun nga yun, hinding hindi ako magkakamali. Dahil mula nung araw na nakilala ko sya, sya na lang lagi ang iniisip ko. Nang maging kami, sya na lang iniintindi ko at pinaglalaanan ng oras ko.
May panahon pa ngang dumating na hindi na ako makahinga at ang puso ko tumigil na sa pagtibok nung sinaktan nya ako ng sobra.

Pagod na ako. Hindi ko na kaya.

Sana lang maintindihan nya, na yung panahong sinasabi kong mapapagod rin ako..ay dumating na.

Martes, Nobyembre 15, 2011

11th month.

Sometimes I couldn't believe it but..Yeah, we've passed the 11 months of obstacles in our relationship.
Saya saya ko kahit na kaninang umaga eh hindi gaanong masaya.
Whatever. mahal na mahal ko talaga sya. :)

Ayun nga, kahit hindi makapagpuyat dahil may exam sya, sulit naman. Kasi ayun nga, basta. Do I really have to share it pa? Hindi na naman siguro diba. :D
Basta. Ewan ko ba. Meh nafifeel ako na something. Na basta ulit.

Basta TRUST ko lang sya hangga't kaya ko.
Wag sana syang magloko.
Goodnight.
zzzzzzZZzzzzzZZZzzZzZZZ.. 

HAPPY 11th MONTHSARY MikaEl. :) <3

Lunes, Nobyembre 14, 2011

The VIDEO.


How hard is it to say SORRY to someone if you're the real victim?
How hard is it to stay in a relationship full of mistakes and uncertainties?
Well, If I am going to be the one to answer that question, honestly, IT'S REALLY HARD.

Being in a relationship with lots of problems sucks a lot. But it gives me more lessons to share with others such as : Keeping yourself busy so you won't remember him in anyways.
Keeping yourself away from the wrong ones.
Keeping yourself strong when you needed to be.
Pretend as if you're not hurt.
Stay NUMB.

NUMB - the usual thing.
I remove my feelings so I won't get hurt badly.
I stay calm as if there's nothing wrong in what he does and what he didn't.
I am a total opposite of others who just let go and finds and like a cycle, finds and let go again.

Tomorrow's our 11th month but I don't have anything to expect. AS USUAL. But I made a video for him, which, I guess, won't make him feel any appreciation at all.

SHARE.
</3

Linggo, Nobyembre 13, 2011

GOODNIGHT Pains.


Well. Goodnight to myself since wala pa naman akong followers dito.
Sana nga lang magkaroon na.

Ayun nga. Tutulog na ang prinsesa nya. *uy di ako ambisyosa, sya meh sabe*
Have a sweet night na lang. Goodnight to my pains and discomforts. See Feel you tomorrow..or soon.
Sana maging maganda ang araw ko tomorrow. *pati gabi*

I have to go to sleep kase late na.
Babush bloggy.



iLOVEMiCHAEL

HONESTY and TIME.


HONESTY.
In google, when I've searched for the meaning of it. I found out that it is a facet of moral character and denotes positive, virtuous attributes such as integrity, TRUTHFULNESS, and straightforwardness along with absence of lying, cheating or theft.

Para saken, ito yung pinapakita mo para malaman ng isa o maraming tao na sincere ka sa sinasabi mo at wala kang motive na magsinungaling. It is the best policy ika nga ng iba. At dito ka masusubukan kung dapat lang pagkatiwalaan.

Alam kaya nya ibig sabihin nun?
Siguro hindi, kasi kung oo, hindi sya magloloko.

TIME

Para saken, ito yung second-to-the-most-important asset of a relationship.
Pag wala nito, mawawala yung love.
Pag wala nito, magsasawa ka.
Pag wala ito, wala na.

At sya, wala syang time para saken.
Well, wala akong magagawa kung talagang busy sya, kaso minsan, yung mga oras na sana eh katext ko sya, inilalaan nya sa iba.
At isa pa. Ito yung pinakamalaking problema naming dalawa kaya lagi kaming nag-aaway.

Pero tinatanggap ko na lang, mahal ko naman eh.
Pero kelan na nga ba sya naging full time boyfriend saken?
Hindi ko na nga maalala eh. HINDI PA YATA.

Pero alam ko sa sarili ko na kahit naman ganun sya, eh hindi naman ako hahanap ng iba.
Hindi naman kasi ako gaya ng iba na humahanap agad ng atensyon sa iba pag may pagkukulang yung mga mahal nila.
Ayaw ko na syang mawala kaya tiisin ko na lang.

Yun lang naman.

Biyernes, Nobyembre 11, 2011

Manhid ka!

Nakakasawa talaga magpakatanga.
Yung ibibigay mo lahat pero wala ka namang matatanggap.
Yung isusuko mo lahat, wala ka namang mapapala.
..minahal ko sya at binigay lahat ng kaya ko.
..isinuko ko yung SAFETY para sa DANGER..

May napala ba ako?
WALA.

Sana magkapalit kami ng sitwasyon para malaman nya yung pakiramdam ng pinapahirapan ka. Pinapaasa.
Yung araw araw kang iiyak dahil sa away nyong dalawa.
..masakit na talaga.
HINDI KO NA KAYA.
Pero dahil mahal kita, sige ipaglalaban ko..
..kahit buhay ko maging kapalit..

WAG LANG IKAW, IKAW NA MUNDO KO.

Saktan mo na ako.
..patayin mo na ako sa sakit sa puso..
..patayin mo na ako ng malaman mo ang halaga ko sa BUHAY MO.



</3

RELAX

Awa ng dyos natapos na rin ang exam. :D
shhh. Buti na lang. Napagod ang utak ko kakaisip ng isasagot. Nakakamatay.
SHARE lang naman! :D

iLOVEMiCHAEL. ♥

Huwebes, Nobyembre 10, 2011

Nakawin mo na ang lahat sa akin..

Hala naman. Ga yun?
Nanakawan kami..ng mga sandals?!
At namili pa yung magbabakaw. Ang taray ng lola nyo *kung sino man yun*.
May pinaghihinalaan naman kami. Kaso, masama namang magbintang agad diba?
Eh talaga namang parang magnanakaw yung babaeng yun eh.
Ayan tuloy lalo na akong natakot dito sa bahay na to.
Haysus. Jusko po. Kahit saan walang ligtas kung nakatadhana kang nakawan.

HELL WHY?!

Bahala na si Lord. Nakawan na kami, wag lang kami patayin.

I miss his face. :(

Alam nyo naman siguro ang pakiramdam na mamiss mo yung taong mahal mo diba?
Well ako sobra. :( hindi ko naman kasi talaga sya nakikita sa personal eh.
Shhh hanggang cam lang at sa pagkakatanda ko ang tagal na nung huling beses ko syang nakita. Almost 6 months or more ago na yata yun. :( well.
Sanay na naman ako pero sya naman nakikita nya ako through cam.
It's really hard. SWEAR.
Hindi mo na nga nakikita ng personal pati cam hindi rin. San ka pa?
Pero infairness malapit na kaming mag-1 year, tinuloy na lang namin naudlot naming pagmamahalan.

NYAK!

Yown naman. Sya at ako'y mag-aaral pa.
Sakana ulit bloggy. :*
Goodnight.

Bakit sya ganun?





Bakit nga ba ganun yung lalaking yun. Hindi ko na maintindihan kung anonggusto nyang mangyari.
May iniiwasan ba syang makabasa nun?
Natatakot ba sya na baka may makaalam?
POSTS. RELATIONSHIP STATUS UPDATE.
Anung sunod? RELASYON naman namin ang idedelete nya?

Bakit ka ganyan?
Ginagawa ko lahat maging masaya ka lang sa piling ko.
Iginive up ko lahat ng guto mong isuko ko para lang magkabalikan tayo.
Ngayon gaganituhin mo ako?

HOW DARE YOU MM.
Lahat na lang. Kulang na lang pumunta ako dyan.
Ayoko na palang pumunta dyan. Baka mamaya pupunta lang ako sa WALA gaya ng ginawa mo sa lahat ng ginawa ko para sayo.
Baka hindi ka sumipot gaya nung binreak ko bf ko, di ka bumalik.

Oo tayo na ulit.
Nagbago na nga ulit ako wag ka lang mawala.
Ngayon.
Bahala ka na lang sa gusto mong gawin sa buhay mo.
AYOKO NG MAKIALAM.

Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

EXAMS suck!

OMG. My head is aching. Super duper many things to mem'rize and understand. Can't we just study and never have exams? We learn. We can take quizzes even long quizzes but not a whole-sheet paper test over 100. err.
I wonder why do we really need to undergo examinations over 100 if we can prove what we've learnt from the previous teachings in just a 20-item quiz. Wew. Its better to have quizzes everyday than every month. Well of course, we almost forgot what we have learnt from the first days of the gradings. 
Shhh by the way, I just want to express my feelings.
STUDY MODE.

BiRTHDAY

Yeayea siguro nga the day after my birthday isn't good. But I can say that it's one of the bests birthdays I ever had. Not just because I received money or presents but because this 15th year of my existence here on Earth, I've had the best friends I can receive from God.

And not just that. Yea maybe Michael made me cry the night before my birthday, pero bumawi sya. Bumalik sya saken and that's also a best gift na natanggap ko. :)

iLOVE15 . *age.monthsary*

Nga pala bloggy ko. Mago-audition ako sa XFactor sa 19. Sana pumasa ako. Sana mapili nila yung karapatdapat na mapasali dun at sa tingin ko naman eh pwede na ako :D Di naman sa pagmamayabang, nanalo ulit ako sa singing contest. This time, kaduet ko si BOGS. Yun lang naman.

I miss you Bloggy. Ü