Sabado, Nobyembre 19, 2011

*STORY1: Araw araw*

(Imbento lang to - pero hindi yung characters)

..Sa bawat araw, maraming pwedeng mangyari sayo.
..Paano kung isang araw, mawala sayo yung taong mahal mo..ng hindi mo alam?

*START*

Ako si Mika..May boyfriend ako si Michael..
Hindi ko alam pero these past days, parang ang dami ng nagbago.

"Mika. May dare ako sayo.." sabi nya.
"Ano naman yun? Sige ba. Kilala mo naman ako.. Lahat kaya kong gawin, lalo na kung para sayo.."
"Wag muna taung magkita ng isang araw..walang text..walang tawag..walang kahit anong type ng communication.."
"Bakit naman?"
"Basta..mahal mo naman ako diba?"
"Oo naman.." at niyakap nya ako.
"Mamahalin mo pa rin naman ako kahit wala ako diba?"
"Oo naman..nangako ako sayo eh.."

Dumaan ang gabi. Kinabukasan, ito na yung araw na hiniling nya saken.
DARE Mika. Kaya mo yan. Mahal mo naman si Michael eh.
Hay naku, isang araw pa lang syang nawawala, parang di ko na ata kaya.
Hindi ako nakatulog ng ayos. SA TOTOO LANG.
Kinabukasan, agad agad kong tinext si Michael. Walang reply na dumadating hanggang sa nagreply na sya..

-- Punta ka dito sa bahay.

Agad naman akong nagbihis at sumakay papunta sa kanila.
Excited na akong makita ang pinakamamahal ko.. :)
Pagdating ko sa bahay nila..
Tahimik. Malungkot ang mga tao..
Pumasok ako sa loob at nakita ko ang kabaong sa loob ng bahay nila.
Patay na ba ang mama nya? O_o wag naman.

"Iha.." Mama ni Michael. Ibig sabihin hindi sya ang..
"Tita..Anu pong nangyari? Si Michael po? Pinapunta nya po kasi ako dito.."
"Ako yung nagtext sayo iha.." then tears fell from her eyes. Ewan ko pero parang sumakit ang puso ko.

Kinabahan ako. Lumapit ako sa coffin. Pagsilip ko..

"Michael?!" at hindi ko alam kung paano ibubuhos ang luha ko.. Yumakap ako sa coffin nya at umiyak ng sobra.
Iniabot saken ng pinsan nya ang isang papel..

Dear Asawa q,
     Oh yan ha. Nakaya mo na akong hindi makita ng isang araw..Kaya mo na siguro..araw araw..mahal na mahal kita..sobra..sorry kung hindi na ako nakapagpaalam ng ayos..Kung masaktan ka man..patawarin mo sana ako..Namiss agad kita kahit nung minuto pa lang ang nakakalipas nung huli tayong nagkita..Ingat ka.."
                                                                                                                         Love, Michael.

Hindi ko alam kung anung magiging reaksyon ko.
May sakit raw pala sya at hindi nya pinaalam sa akin..
Kahapon pala ang huling araw nya.. T_T

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento