Biyernes, Nobyembre 18, 2011

NAKAKAPAGOD NA.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.
Bloggy, ayaw ko syang mawala pero sya yung humihila sa sarili nya para lumayo sya saken.
Bakit kaya sya ganun?

Ginawa ko na lahat ng kaya ko. :(

Wala pa rin?
Ang manhid naman nya masyado! Hindi ko na alam kong paano ipagpapatuloy to.
Unti unti ng nababawasan ang pagmamahal na sabi ko sa kanya mananatiling buo hanggang huli.
Panahon na ba para maghiwalay kami?
11 buwan na akong nagtitiis. Hindi ko na nga alam kong kelan ko na nga ba huling naisip ang sarili ko.
Sa pagkakalala ko lang, huli kong inintindi ang sarili ko nung..

ARAW BAGO KO SYA NAKILALA.

Tama. Yun nga yun, hinding hindi ako magkakamali. Dahil mula nung araw na nakilala ko sya, sya na lang lagi ang iniisip ko. Nang maging kami, sya na lang iniintindi ko at pinaglalaanan ng oras ko.
May panahon pa ngang dumating na hindi na ako makahinga at ang puso ko tumigil na sa pagtibok nung sinaktan nya ako ng sobra.

Pagod na ako. Hindi ko na kaya.

Sana lang maintindihan nya, na yung panahong sinasabi kong mapapagod rin ako..ay dumating na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento